Fil-Ams na rin sa Wrestling
Ni Lito Oredo
Isang higanteng hakbang ang isinagawa ng Wrestling Association of the Philippines (WAP) matapos itong makipagkasundo sa isang United States-based na wrestling team para sa pagsasagawa ng isang torneo upang makahanap ng mga Fil-Am recruits na posibleng magrepresenta sa Philippine Wrestling Team.
Ito ay matapos na magkasundo ang Springstowne Wildcat Wrestling Academy sa pamumuno ng coach nito na si Jason Guiducci at si WAP president Albert Balde para sa koordinasyon ng dalawang bansa para sa pagsasagawa ng 1st Philippines Wrestling Showcase na ginanap noong Setyembre 28, 2011sa Vallejo, California, USA.
Sinabi ni Balde na matinding kinonsidera ng asosasyon ang pagbibigay sa madalas na bakante at problemang silya sa pambansang koponan partikular na sa mabibigat na weight classes sa kalalakihan at lalong-lalong na sa babae sa pakikipagkasundo nito sa Springstowne Wildcat Wrestling Academy.
“We really have problems in the looking for our athletes especially in the heavier weight categories that is why we open the slots to qualified and interested Fil-Am wrestlers,” sabi ni Balde.
Dinumog naman ng mga Filipino-American wrestlers ang isinagawang torneo kung saan marami umano ang nagnais na makasama at maging miyembro ng Philippine Wrestling Team.
Kabuuang 42 wrestlers naman ang nagpartisipa sa torneo kabilang ang siyam na isinilang mismo sa Pilipinas. Ang iba naman ay may magulang o mga lolo’t-lola na mula sa bansa.
Ilang talento na nadiskubre ay mula sa dominanteng Springstowne Academy na may programa sa middle school class at mula sa malawak na California State Qualifiers sa High School/Open Class.
Kabilang sa nadiskubre sina Julie Gonzalez na naging 4th sa 2004 US Olympic Trials, Ahmed(Ricky) Abdelaziz na isang papaangat na MMA; si Raniel Buenviaje na miyembro ng US Air Force na nakatakda naman magsanay para sa All-Air Force team sa Idaho at si Josef Delavega na isang Brazilian Jiu-Jitsu competitor.
Isa din sa posibleng maging miyembro ng pambansang koponan ay si Springstowne Lady Wildcats Jasmine Capiral at Joanne Cabanlit na kapwa nagpakitang gilas sa ginanap na Inaugural Philippines Wrestling Showcase.
Ang City of Vallejo sa Solano County, California, ay mayroon naman populasyon na 120,000 residente na kabilang ang 30,000 Filipino na karamihan ay kinahihiligan ang sport na wrestling at siyang pinagmulan din ni Mark Munoz, na kasalukuyang gumagawa ng kanyang pangalan sa UFC bilang 'Philippine Wrecking Machine.'"